Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 26:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Pumasok kayo, bayan ko, sa inyong mga kaloob-loobang silid,

      At isara ninyo ang mga pinto.+

      Magtago kayo sandali

      Hanggang sa makalampas ang galit.*+

  • Joel 2:31, 32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 Ang araw ay magdidilim at ang buwan ay magkukulay-dugo+

      Bago dumating ang dakila at kamangha-manghang araw ni Jehova.+

      32 At ang bawat isa na tumatawag sa pangalan ni Jehova ay maliligtas;+

      Dahil gaya ng sinabi ni Jehova, sa Bundok Sion at sa Jerusalem pupunta ang mga nakatakas,+

      Ang mga makaliligtas na tinawag ni Jehova.”

  • Mateo 24:21, 22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 dahil sa panahong iyon ay magkakaroon ng malaking kapighatian+ na hindi pa nangyayari mula nang pasimula ng mundo* hanggang sa ngayon at hindi na mangyayari pang muli.+ 22 Sa katunayan, kung hindi paiikliin ang mga araw na iyon, walang taong maliligtas; pero dahil sa mga pinili ay paiikliin ang mga araw na iyon.+

  • Apocalipsis 7:13, 14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Pagkatapos, sinabi sa akin ng isa sa matatanda: “Ang mga ito na nakasuot ng mahabang damit na puti,+ sino sila at saan sila nanggaling?” 14 Kaya agad kong sinabi sa kaniya: “Panginoon ko, ikaw ang nakaaalam.” At sinabi niya sa akin: “Sila ang mga lumabas mula sa malaking kapighatian,+ at nilabhan nila ang kanilang mahabang damit at pinaputi iyon sa dugo ng Kordero.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share