-
Daniel 2:10, 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 Sumagot ang mga Caldeo sa hari: “Walang sinuman sa lupa ang makagagawa ng hinihiling ng hari, dahil wala pang hari o gobernador ang humiling ng ganito sa sinumang mahikong saserdote, salamangkero, o Caldeo. 11 Napakahirap ng hinihiling ng hari, at walang makapagsasabi nito sa hari maliban sa mga diyos, na hindi naninirahang kasama ng mga mortal.”*
-