10 Ang setro ay hindi hihiwalay kay Juda,+ at ang baston ng kumandante ay hindi maaalis sa pagitan ng mga paa niya, hanggang sa dumating ang Shilo,*+ at magiging masunurin dito ang mga bayan.+
36 Sumagot si Jesus:+ “Ang Kaharian ko ay hindi bahagi ng sanlibutang ito.+ Kung ang Kaharian ko ay bahagi ng sanlibutang ito, lumaban sana ang mga tagasunod* ko para hindi ako madakip ng mga Judio.+ Pero ang totoo, hindi nagmumula rito ang Kaharian ko.”
15 Hinipan ng ikapitong anghel ang trumpeta niya.+ At may malalakas na tinig sa langit na nagsasabi: “Ang kaharian ng sanlibutan ay naging Kaharian ng ating Panginoon+ at ng kaniyang Kristo,+ at maghahari siya magpakailanman.”+
6 Maligaya at banal ang sinumang kasama sa unang pagkabuhay-muli;+ walang awtoridad sa kanila ang ikalawang kamatayan,+ kundi sila ay magiging mga saserdote+ ng Diyos at ng Kristo, at maghahari silang kasama niya sa loob ng 1,000 taon.+