-
Daniel 4:23-26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
23 “‘At ang hari ay nakakita ng isang bantay, isang banal na mensahero+ na bumababa mula sa langit, na nagsabi: “Putulin ang puno at sirain iyon, pero huwag ninyong bunutin ang mga ugat nito. Iwan ninyo ang tuod, na may bigkis na bakal at tanso, kasama ng damo sa parang. Hayaan itong mabasâ ng hamog ng langit at makasama ng mga hayop sa parang hanggang sa lumipas ang pitong panahon.”+ 24 Ito ang ibig sabihin ng panaginip, O hari; ito ang sinabi ng Kataas-taasan na mangyayari sa panginoon kong hari. 25 Itataboy ka ng mga tao at maninirahang kasama ng mga hayop sa parang, at pananim ang kakainin mo gaya ng mga toro; at mababasâ ka ng hamog ng langit,+ at lilipas ang pitong panahon+ hanggang sa malaman mong ang Kataas-taasan ay Tagapamahala sa kaharian ng mga tao at na ibinibigay niya ang pamamahala kung kanino niya gusto.+
26 “‘Pero dahil sinabi nilang iwan ang tuod ng puno at ang ugat nito,+ ang iyong kaharian ay ibabalik sa iyo kapag nalaman mo nang ang tunay na tagapamahala ay nasa langit.
-