-
Hukom 20:4-6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Sumagot ang lalaking Levita,+ ang asawa ng babaeng pinatay: “Nagpunta ako sa Gibeah+ ng Benjamin kasama ang asawa* ko para doon magpalipas ng gabi. 5 At sumugod ang mga taga-Gibeah* noong gabi at pinalibutan nila ang bahay. Ang gusto talaga nila ay patayin ako, pero ginahasa nila ang asawa ko at namatay siya.+ 6 Kaya kinuha ko ang katawan ng asawa ko at pinagputol-putol ito at ipinadala ang mga piraso nito sa buong lupain ng Israel,+ dahil gumawa sila ng isang karumal-dumal at kahiya-hiyang bagay sa Israel.
-