-
Deuteronomio 6:10-12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 “Kapag dinala kayo ng Diyos ninyong si Jehova sa lupaing ipinangako niya sa inyong mga ninunong sina Abraham, Isaac, at Jacob+—malalaki at magagandang lunsod na hindi kayo ang nagtayo,+ 11 mga bahay na punô ng iba’t ibang magagandang bagay na hindi ninyo pinagpaguran, mga imbakan ng tubig na hindi kayo ang naghukay, mga ubasan at mga punong olibo na hindi kayo ang nagtanim—at nakakain na kayo at nabusog,+ 12 bantayan ninyo ang sarili ninyo dahil baka makalimutan ninyo si Jehova,+ na naglabas sa inyo sa Ehipto, kung saan kayo naging mga alipin.*
-
-
Deuteronomio 8:12-14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 Kapag kumain na kayo at nabusog at nakapagtayo ng magagandang bahay at nakatira na sa mga iyon,+ 13 kapag lumaki ang bakahan at kawan ninyo at dumami ang pilak at ginto ninyo at sagana na kayo sa lahat ng bagay, 14 huwag ninyong hayaang magmataas ang puso ninyo+ at malimutan ninyo ang Diyos ninyong si Jehova, na naglabas sa inyo sa Ehipto, kung saan kayo naging alipin,*+
-