-
Isaias 28:1-3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
28 Kaawa-awa ang marangyang* korona* ng mga lasenggo ng Efraim+
At ang kumukupas na bulaklak ng maluwalhati nitong kagandahan,
Na nasa uluhan ng matabang lambak ng mga lasing na lasing sa alak!
2 Si Jehova ay may ipadadalang malakas at makapangyarihan.
Gaya ng makulog na pag-ulan ng yelo,* isang mapangwasak na bagyo,
Gaya ng makulog na bagyo ng malakas at humuhugos na tubig,
Ibabagsak niya iyon sa lupa nang napakalakas.
-