Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 34:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Dumaan si Jehova sa harap niya at ipinahayag: “Si Jehova, si Jehova, isang Diyos na maawain+ at mapagmalasakit,*+ hindi madaling magalit+ at sagana sa tapat na pag-ibig*+ at katotohanan,*+

  • Bilang 14:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 ‘Si Jehova ay hindi madaling magalit at sagana sa tapat na pag-ibig,*+ nagpapatawad sa pagkakamali at pagsuway, pero tinitiyak niyang mapaparusahan ang mga may kasalanan at pinaparusahan ang mga anak dahil sa kasalanan ng mga ama, pati na ang ikatlo at ikaapat na henerasyon.’+

  • Nehemias 9:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Ayaw nilang makinig,+ at kinalimutan nila ang mga himala* na ginawa mo sa gitna nila; naging matigas ang ulo* nila at nag-atas sila ng mangunguna pabalik sa pagkaalipin sa Ehipto.+ Pero ikaw ay isang Diyos na handang magpatawad,* mapagmalasakit* at maawain, hindi madaling magalit at sagana sa tapat na pag-ibig,*+ at hindi mo sila iniwan.+

  • Awit 106:44, 45
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 44 Pero nakikita niya ang pagdurusa nila+

      At naririnig ang paghingi nila ng tulong.+

      45 Alang-alang sa kanila ay inaalaala niya ang kaniyang tipan,

      At naaawa siya sa kanila dahil sa kaniyang masidhi* at tapat na pag-ibig.+

  • Mikas 7:18, 19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Sino ang Diyos na tulad mo,

      Nagpapaumanhin sa kamalian at nagpapalampas ng kasalanan+ ng nalabi sa kaniyang mana?+

      Hindi mananatili ang galit niya magpakailanman,

      Dahil nalulugod siya sa tapat na pag-ibig.+

      19 Muli niya tayong pagpapakitaan ng awa;+ dadaigin* niya ang ating mga pagkakamali.

      Ihahagis mo sa kalaliman ng dagat ang lahat ng kanilang kasalanan.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share