-
Isaias 11:11, 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Sa araw na iyon, muling iaabot ni Jehova ang kamay niya, sa ikalawang pagkakataon, para kunin ang mga natira sa bayan niya na nasa Asirya,+ Ehipto,+ Patros,+ Cus,+ Elam,+ Sinar,* Hamat, at mga isla sa dagat.+ 12 Maglalagay siya ng isang palatandaan* para sa mga bansa at titipunin niya ang mga nangalat mula sa Israel,+ at titipunin niya mula sa apat na sulok ng mundo ang mga nangalat na taga-Juda.+
-
-
Isaias 43:5, 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 Huwag kang matakot, dahil kasama mo ako.+
6 Sasabihin ko sa hilaga, ‘Ibigay mo sila!’+
At sa timog, ‘Huwag mo silang pigilan.
Ibalik mo ang mga anak kong lalaki mula sa malayo, at ang mga anak kong babae mula sa mga dulo ng lupa,+
-
Jeremias 23:7, 8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 “Pero darating ang panahon,” ang sabi ni Jehova, “na hindi na nila sasabihin, ‘Isinusumpa ko, kung paanong buháy si Jehova, na naglabas sa bayang Israel mula sa lupain ng Ehipto!’+ 8 Sa halip, sasabihin nila, ‘Isinusumpa ko, kung paanong buháy si Jehova, na naglabas at nagbalik sa mga inapo ng sambahayan ng Israel mula sa lupain sa hilaga’ at mula sa lahat ng lupain kung saan ko sila pinangalat, at titira sila sa sarili nilang lupain.”+
-
-
-