-
2 Cronica 7:6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 Nakatayo ang mga saserdote sa mga puwestong itinakda sa kanila, pati ang mga Levita na may mga panugtog para sa pag-awit kay Jehova.+ (Ginawa ni Haring David ang mga panugtog na ito para sa pagpapasalamat kay Jehova—“dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan”—kapag si David ay pumupuri kasama sila.*) At ang mga trumpeta ay hinihipan nang malakas ng mga saserdote+ sa harap nila, habang nakatayo ang lahat ng Israelita.
-
-
2 Cronica 29:25, 26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
25 Samantala, ipinuwesto niya sa bahay ni Jehova ang mga Levita, na may mga simbalo,* instrumentong de-kuwerdas, at alpa,+ ayon sa utos ni David+ at ng lingkod ng hari na si Gad+ na nakakakita ng pangitain at ng propetang si Natan,+ dahil ang utos ay galing kay Jehova sa pamamagitan ng mga propeta niya. 26 Kaya ang mga Levita ay nakatayo na may mga instrumento ni David, at ang mga saserdote ay may mga trumpeta.+
-