Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 28:49, 50
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 49 “Magsusugo si Jehova sa inyo ng isang kaaway, isang malayong bansa+ mula sa dulo ng lupa; mandaragit itong gaya ng isang agila,+ isang bansa na ang wika ay hindi ninyo naiintindihan,+ 50 isang bansang mabagsik na walang galang sa matatanda at walang awa sa mga bata.+

  • 2 Hari 15:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Noong panahon ni Haring Peka ng Israel, sinalakay at sinakop ni Haring Tiglat-pileser+ ng Asirya ang Ijon, Abel-bet-maaca,+ Janoa, Kedes,+ Hazor, Gilead,+ at Galilea, ang buong lupain ng Neptali,+ at ipinatapon niya sa Asirya ang mga nakatira dito.+

  • 2 Hari 17:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Nang ikasiyam na taon ni Hosea, sinakop ng hari ng Asirya ang Samaria.+ Pagkatapos, ang mga nasa Israel ay ipinatapon niya+ sa Asirya at pinatira sa Hala at sa Habor sa ilog ng Gozan+ at sa mga lunsod ng mga Medo.+

  • Isaias 7:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 “Sa araw na iyon, sa pamamagitan ng isang upahang labaha mula sa rehiyon ng Ilog,* sa pamamagitan ng hari ng Asirya,+ ay aahitin ni Jehova ang buhok sa ulo at ang balahibo sa mga binti, at aalisin nito pati ang balbas.

  • Isaias 8:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 dahil bago matuto ang bata na tumawag ng ‘Tatay!’ at ‘Nanay!’ ang yaman ng Damasco at ang samsam ng Samaria ay kukunin at dadalhin sa hari ng Asirya.”+

  • Isaias 10:5, 6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 “Narito ang Asiryano!+

      Ang pamalo na magpapakita ng galit ko+

      At ang hawak nilang panghampas na magpapahayag ng hatol ko!

       6 Isusugo ko siya laban sa isang apostatang bansa,+

      Laban sa bayang gumalit sa akin;

      Uutusan ko siyang manamsam at mandambong nang marami

      At yurakan silang gaya ng putik sa mga lansangan.+

  • Oseas 10:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 Dadalhin ito sa Asirya bilang regalo sa isang dakilang hari.+

      Mapapahiya ang Efraim,

      At mahihiya ang Israel dahil sa payong sinunod nito.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share