Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 14:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 “Huwag kang magsaya, O Filistia, sinuman sa iyo,

      Dahil lang sa nabali ang pamalo ng humahampas sa iyo.

      Dahil mula sa lahi* ng serpiyente+ ay may lalabas na makamandag na ahas,+

      At ang magiging supling nito ay isang lumilipad at malaapoy na ahas.*

  • Jeremias 47:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  4 Dahil pupuksain ng dumarating na araw ang lahat ng Filisteo;+

      Lilipulin nito ang bawat natitirang kakampi ng Tiro+ at Sidon.+

      Dahil pupuksain ni Jehova ang mga Filisteo,

      Ang mga natira mula sa isla ng Captor.*+

  • Ezekiel 25:16, 17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Gagamitin ko ang kapangyarihan* ko laban sa mga Filisteo,+ at lilipulin ko ang mga Kereteo+ at ang mga naiwang nakatira sa baybaying dagat.+ 17 Maglalapat ako sa kanila ng napakatinding mga parusa bilang paghihiganti, at malalaman nila na ako si Jehova kapag naghiganti ako sa kanila.”’”

  • Zefanias 2:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 “Kaawa-awa ang mga nakatira sa tabing-dagat, ang bansa ng mga Kereteo!+

      Ang salita ni Jehova ay laban sa inyo.

      O Canaan, na lupain ng mga Filisteo, wawasakin kita,

      Para walang matira sa mga mamamayan mo.

  • Zacarias 9:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 Isang anak sa labas ang titira sa Asdod,

      At aalisin ko ang kayabangan ng Filisteo.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share