-
Isaias 65:21, 22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
21 Magtatayo sila ng mga bahay at titira sa mga iyon,+
At magtatanim sila ng ubas at kakainin ang bunga nito.+
22 Hindi sila magtatayo pero iba ang titira,
At hindi sila magtatanim pero iba ang kakain.
Dahil ang mga araw ng bayan ko ay magiging gaya ng mga araw ng isang puno,+
At lubusan silang masisiyahan sa mga gawa ng kanilang mga kamay.
-
-
Ezekiel 28:25, 26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
25 “‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Kapag muli kong tinipon ang sambahayan ng Israel mula sa mga bayan kung saan sila nangalat,+ mapababanal ako dahil sa kanila sa harap ng mga bansa.+ At maninirahan sila sa kanilang lupain+ na ibinigay ko sa lingkod kong si Jacob.+ 26 Maninirahan sila roon nang panatag+ at magtatayo ng bahay at magtatanim ng ubas,+ at maninirahan sila nang panatag kapag inilapat ko ang hatol sa lahat ng nakapalibot sa kanila na humahamak sa kanila;+ at malalaman nila na ako ang Diyos nilang si Jehova.”’”
-