-
Isaias 60:21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
21 At ang buong bayan mo ay magiging matuwid;
Magiging pag-aari nila ang lupain magpakailanman.
-
-
Ezekiel 34:27, 28Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
27 Mamumunga ang mga puno sa parang, at magbibigay ng ani ang lupa,+ at maninirahan sila nang panatag sa lupain. At malalaman nila na ako si Jehova kapag binali ko ang mga pamatok nila+ at iniligtas ko sila sa kamay ng mga umaalipin sa kanila. 28 Hindi na sila magiging biktima ng mga bansa, at hindi sila lalapain ng mababangis na hayop sa lupa, at maninirahan sila nang panatag at walang sinumang tatakot sa kanila.+
-