Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Samuel 12:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Pero kung hindi kayo makikinig sa tinig ni Jehova at maghihimagsik kayo laban sa utos ni Jehova, kayo at ang inyong mga ama ay paparusahan ni Jehova.+

  • 1 Cronica 28:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 “At ikaw, anak kong Solomon, kilalanin mo ang Diyos ng iyong ama at maglingkod ka sa kaniya nang buong puso+ at may kagalakan,* dahil sinusuri ni Jehova ang lahat ng puso,+ at nalalaman niya ang takbo ng pag-iisip ng bawat isa.+ Kung hahanapin mo siya, hahayaan niyang makita mo siya,+ pero kung iiwan mo siya, itatakwil ka niya magpakailanman.+

  • 2 Cronica 36:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Kaya pinasalakay niya sa kanila ang hari ng mga Caldeo,+ na pumatay sa kanilang mga kalalakihan sa santuwaryo+ sa pamamagitan ng espada;+ hindi siya naawa sa binata o dalaga, sa matanda o may kapansanan.+ Ibinigay ng Diyos ang lahat sa kamay niya.+

  • 2 Cronica 36:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Sinunog niya ang bahay ng tunay na Diyos,+ giniba ang pader ng Jerusalem,+ sinunog ang lahat ng matitibay na tore nito, at winasak ang lahat ng mahahalagang bagay.+

  • Jeremias 17:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 “‘“Pero kung hindi ninyo susundin ang utos ko na panatilihing banal ang araw ng Sabbath at na huwag magdala at magpasok ng anuman sa mga pintuang-daan ng Jerusalem sa araw ng Sabbath, sisilaban ko ang mga pintuang-daan niya, at tiyak na lalamunin ng apoy ang matitibay na tore ng Jerusalem+ at hindi ito mapapatay.”’”+

  • Jeremias 37:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 At babalik ang mga Caldeo at makikipaglaban sa lunsod na ito at sasakupin ito at susunugin.”+

  • Jeremias 52:12-14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Noong ika-10 araw ng ikalimang buwan, nang ika-19 na taon ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya, pumasok sa Jerusalem si Nebuzaradan na pinuno ng mga bantay at isang lingkod ng hari ng Babilonya.+ 13 Sinunog niya ang bahay ni Jehova,+ ang bahay* ng hari, at ang lahat ng bahay sa Jerusalem; sinunog din niya ang lahat ng malalaking bahay. 14 At ang mga pader sa palibot ng Jerusalem ay giniba ng buong hukbo ng mga Caldeo na kasama ng pinuno ng mga bantay.+

  • Oseas 8:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Kinalimutan ng Israel ang kaniyang Maylikha,+ at nagtayo siya ng mga templo,+

      At ang Juda ay nagparami ng napapaderang* lunsod.+

      Pero magpapadala ako ng apoy sa kaniyang mga lunsod,

      At tutupukin nito ang mga tore ng bawat lunsod.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share