-
Isaias 30:10, 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 Sinasabi nila sa mga tagakita,* ‘Huwag kayong makakita,’
At sa mga nakakakita ng pangitain, ‘Huwag ninyong sabihin sa amin ang totoong nakita ninyo.+
Magagandang bagay ang sabihin ninyo sa amin; manghula kayo ng mapanlinlang na mga kathang-isip.+
11 Lumihis kayo sa daan; iwan ninyo ang landas.
Tigilan na ninyo ang pagsasabi sa amin ng tungkol sa Banal ng Israel.’”+
-
-
Amos 7:12, 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 At sinabi ni Amazias kay Amos: “Ikaw na nakakakita ng pangitain, umalis ka na, tumakbo ka papunta sa lupain ng Juda, magtrabaho ka roon para makabili ng tinapay,* at doon ka manghula.+ 13 Pero huwag ka nang manghuhula sa Bethel,+ dahil iyon ang santuwaryo ng isang hari+ at iyon ang bahay ng isang kaharian.”
-