Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jeremias 18:7, 8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Kapag sinabi kong bubunutin ko, ibababa, at lilipulin ang isang bansa o kaharian,+ 8 at tinalikuran ng bansang iyon ang kasamaan nito na hinatulan ko, magbabago ako ng isip tungkol sa* kapahamakang ipinasiya kong pasapitin doon.+

  • Ezekiel 18:21-23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 “‘Pero kapag tinalikuran ng masama ang lahat ng ginagawa niyang kasalanan at sinunod ang mga batas ko at ginawa kung ano ang makatarungan at matuwid, tiyak na patuloy siyang mabubuhay. Hindi siya mamamatay.+ 22 Hindi gagamitin laban sa kaniya* ang alinman sa nagawa niyang kasalanan.+ Patuloy siyang mabubuhay dahil sa paggawa ng matuwid.’+

      23 “‘Natutuwa ba ako kapag namatay ang masama?’+ ang sabi ng Kataas-taasang* Panginoong Jehova. ‘Hindi ba mas gusto kong talikuran niya ang kaniyang landasin at patuloy siyang mabuhay?’+

  • Jonas 4:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Kaya nanalangin siya kay Jehova: “Jehova, hindi ba ito ang inaalala ko bago pa ako magpunta rito? Kaya nga ako tumakas papuntang Tarsis,+ dahil alam kong isa kang Diyos na mapagmalasakit* at maawain, hindi madaling magalit at sagana sa tapat na pag-ibig,+ at hindi natutuwa sa pagpaparusa.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share