Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kawikaan 21:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  3 Ang paggawa ng tama at makatarungan

      Ay mas gusto ni Jehova kaysa sa hain.+

  • Isaias 1:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Matuto kayong gumawa ng mabuti; hanapin ninyo ang katarungan,+

      Ituwid ninyo ang nang-aapi,

      Ipagtanggol ninyo ang karapatan ng batang walang ama,*

      At ipaglaban ninyo ang usapin ng biyuda.”+

  • Jeremias 22:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Ito ang sinabi ni Jehova: “Itaguyod ninyo ang katarungan at katuwiran. Iligtas ninyo ang ninanakawan mula sa kamay ng mandaraya. Huwag ninyong pagmamalupitan ang dayuhang naninirahang kasama ninyo, at huwag ninyong gagawan ng masama ang batang walang ama* o ang biyuda.+ At huwag kayong magpapadanak ng dugo ng taong inosente sa lugar na ito.+

  • Ezekiel 45:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Sobra na ang mga ginagawa ninyo, mga pinuno ng Israel!’

      “‘Ihinto na ninyo ang karahasan at pang-aapi, at gawin ninyo kung ano ang makatarungan at matuwid.+ Huwag na ninyong agawin ang pag-aari ng bayan ko,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.

  • Oseas 12:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 “Kaya manumbalik ka sa iyong Diyos,+

      Panatilihin mo ang iyong tapat na pag-ibig at katarungan,+

      At lagi kang umasa sa iyong Diyos.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share