Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 22:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 tiyak na pagpapalain kita at tiyak na pararamihin ko ang supling* mo gaya ng mga bituin sa langit at gaya ng mga butil ng buhangin sa baybayin ng dagat,+ at kukunin ng iyong supling* ang mga lunsod* ng mga kaaway niya.+

  • Awit 105:8-11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  8 Naaalaala niya ang kaniyang tipan magpakailanman,+

      Ang ipinangako* niya, hanggang sa sanlibong henerasyon,+

       9 Ang tipan niya kay Abraham,+

      At ang panata niya kay Isaac,+

      10 Na pinagtibay niya kay Jacob,

      At ibinigay niya bilang walang-hanggang tipan kay Israel.

      11 Sinabi niya, “Ibibigay ko sa iyo ang lupain ng Canaan+

      Bilang inyong mana.”+

  • Lucas 1:72, 73
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 72 Magpapakita siya ng awa sa atin gaya ng ipinangako niya sa ating mga ninuno, at aalalahanin niya ang kaniyang banal na tipan.+ 73 Ito ang binitiwan niyang pangako* sa ating ninunong si Abraham.+

  • Gawa 3:25, 26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Kayo ang mga anak ng mga propeta at ang mga makikinabang sa pakikipagtipan ng Diyos sa inyong mga ninuno.+ Sinabi niya kay Abraham: ‘At sa pamamagitan ng iyong supling,* ang lahat ng pamilya sa lupa ay pagpapalain.’+ 26 Pagkatapos atasan ng Diyos ang kaniyang Lingkod, sa inyo siya unang isinugo ng Diyos+ para tulungan kayong talikuran ang inyong masasamang gawa. Isa itong pagpapala sa inyo.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share