Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 11:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Sa araw na iyon, muling iaabot ni Jehova ang kamay niya, sa ikalawang pagkakataon, para kunin ang mga natira sa bayan niya na nasa Asirya,+ Ehipto,+ Patros,+ Cus,+ Elam,+ Sinar,* Hamat, at mga isla sa dagat.+

  • Jeremias 23:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 “Pagkatapos ay titipunin ko ang natira sa mga tupa ko mula sa lahat ng lupain kung saan ko sila pinangalat,+ at ibabalik ko sila sa kanilang pastulan,+ at magiging palaanakin sila at darami sila.+

  • Jeremias 31:7, 8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  7 Dahil ito ang sinabi ni Jehova:

      “Humiyaw kayo nang may kagalakan kay Jacob.

      Sumigaw kayo nang masaya dahil nakahihigit kayo sa mga bansa.+

      Ipahayag ninyo iyon; purihin ninyo ang Diyos at sabihin,

      ‘O Jehova, iligtas mo ang iyong bayan, ang mga natira sa Israel.’+

       8 Ibabalik ko sila mula sa lupain ng hilaga.+

      Titipunin ko sila mula sa pinakamalalayong bahagi ng lupa.+

      Kasama nila ang bulag at ang pilay,+

      Ang babaeng nagdadalang-tao at ang nanganganak, lahat sila.

      Babalik sila rito bilang isang malaking kongregasyon.+

  • Mikas 4:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 “Sa araw na iyon,” ang sabi ni Jehova,

      “Titipunin ko ang bayang iika-ika,

      At titipunin ko ang bayang nangalat,+

      Kasama ng mga pinighati ko.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share