-
Josue 6:18, 19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 Pero lumayo kayo sa mga dapat puksain at wasakin,+ dahil baka hangarin at kunin ninyo ang mga ito,+ at sa gayon ay gawing karapat-dapat sa pagkapuksa ang kampo ng Israel at magdala kayo rito ng kapahamakan.+ 19 Pero ang lahat ng pilak at ginto at kagamitang tanso at bakal ay banal kay Jehova.+ Dapat ilagay ang mga iyon sa kabang-yaman ni Jehova.”+
-
-
Isaias 23:17, 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 Pagkatapos ng 70 taon, bibigyang-pansin ni Jehova ang Tiro, at babalik siya sa dati niyang pamumuhay* at ibebenta ang sarili sa lahat ng kaharian sa ibabaw ng lupa. 18 Pero ang kinita niya at ang ibinayad sa kaniya ay magiging banal kay Jehova. Hindi ito iimbakin o itatago, dahil ang ibinayad sa kaniya ay ibibigay sa mga naninirahan sa harap ni Jehova, para makakain sila hanggang sa mabusog at makapagsuot ng magagarang damit.+
-