Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 49:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Ang setro ay hindi hihiwalay kay Juda,+ at ang baston ng kumandante ay hindi maaalis sa pagitan ng mga paa niya, hanggang sa dumating ang Shilo,*+ at magiging masunurin dito ang mga bayan.+

  • 1 Cronica 5:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Kahit na nakahihigit si Juda+ sa mga kapatid niya at sa kaniya nagmula ang magiging lider,+ kay Jose ibinigay ang karapatan sa pagkapanganay.

  • Isaias 9:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 Dahil isang bata ang ipinanganak sa atin,+

      Isang anak na lalaki ang ibinigay sa atin;

      At ang pamamahala* ay iaatang sa balikat niya.+

      Siya ay tatawaging Kamangha-manghang Tagapayo,+ Makapangyarihang Diyos,+ Walang-Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.

  • Mateo 2:4-6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Tinipon niya ang lahat ng punong saserdote at mga eskriba para tanungin sila kung saan ipanganganak ang Kristo.* 5 Sinabi nila sa kaniya: “Sa Betlehem+ po ng Judea, dahil ganito ang isinulat ng propeta: 6 ‘At ikaw, O Betlehem ng lupain ng Juda, hindi ikaw ang pinakahamak na lunsod sa paningin ng mga gobernador ng Juda, dahil sa iyo manggagaling ang tagapamahala na magpapastol sa bayan kong Israel.’”+

  • Lucas 1:32, 33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 Siya ay magiging dakila+ at tatawaging Anak ng Kataas-taasan,+ at ibibigay sa kaniya ng Diyos na Jehova* ang trono ni David na kaniyang ama,+ 33 at maghahari siya sa sambahayan ni Jacob magpakailanman, at hindi magkakaroon ng wakas ang kaniyang Kaharian.”+

  • Lucas 2:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Ipinanganak ngayon sa lunsod ni David+ ang inyong tagapagligtas,+ ang Kristo na Panginoon.+

  • Juan 7:42
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 42 Hindi ba sinasabi sa Kasulatan na ang Kristo ay manggagaling sa supling ni David+ at sa Betlehem,+ ang nayon ni David?”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share