9 Magsaya ka nang lubos, O anak na babae ng Sion.
Sumigaw ka nang may pagbubunyi, O anak na babae ng Jerusalem.
Tingnan mo! Ang iyong hari ay dumarating sa iyo.+
Siya ay matuwid, nagliligtas,
Mapagpakumbaba+ at nakasakay sa asno,
Sa isang bisiro, na anak ng babaeng asno.+
10 Kukunin ko ang karwaheng pandigma mula sa Efraim
At ang kabayo mula sa Jerusalem.
Ang panang pandigma ay kukunin.
At magpapahayag siya ng kapayapaan sa mga bansa;+
Ang pamamahala niya ay magiging mula sa isang dagat hanggang sa isa pang dagat
At mula sa Ilog hanggang sa mga dulo ng lupa.+