-
Jeremias 27:6, 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 At ngayon ay ibinibigay ko ang lahat ng lupaing ito sa kamay ng lingkod kong si Haring Nabucodonosor+ ng Babilonya; maging ang mga hayop sa parang ay ibinibigay ko para maglingkod sa kaniya. 7 Ang lahat ng bansa ay maglilingkod sa kaniya, sa anak niya, at sa apo niya hanggang sa dumating ang panahon ng sarili niyang lupain,+ kung kailan maraming bansa at dakilang hari ang mang-aalipin sa kaniya.’+
-
-
Zacarias 2:7-9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 “Halika, Sion! Tumakas ka, ikaw na nakatirang kasama ng anak na babae ng Babilonya.+ 8 Dahil ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na matapos luwalhatiin* ay nagsugo sa akin sa mga bansang nananamsam sa inyo:+ ‘Sinumang humihipo sa inyo ay humihipo sa itim* ng aking mata.+ 9 Kaya ngayon ay iaangat ko ang aking kamay laban sa kanila, at magiging samsam sila ng sarili nilang mga alipin.’+ At tiyak na malalaman ninyong si Jehova ng mga hukbo ang nagsugo sa akin.
-