-
Jeremias 7:5-7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 Kung talagang babaguhin ninyo ang inyong pamumuhay at mga ginagawa; kung talagang itataguyod ninyo ang katarungan sa pagitan ng isang tao at ng kapuwa niya;+ 6 kung hindi ninyo pagmamalupitan ang mga dayuhan, ulila,* at mga biyuda;+ kung hindi kayo papatay ng mga inosente sa lugar na ito; at kung hindi kayo susunod sa ibang diyos sa ikapapahamak ninyo;+ 7 hahayaan ko kayong patuloy na manirahan sa lugar na ito, sa lupaing ibinigay ko sa mga ninuno ninyo para tirhan nila magpakailanman.”’”*
-
-
Jeremias 25:5, 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 Sinasabi nila, ‘Pakisuyo, manumbalik kayo at iwan ninyo ang inyong masamang landasin at masasamang ginagawa;+ at patuloy kayong titira nang mahabang panahon sa lupain na ibinigay noon ni Jehova sa inyo at sa mga ninuno ninyo. 6 Huwag kayong sumunod sa ibang mga diyos o maglingkod sa kanila o yumukod sa kanila, at huwag ninyo akong galitin sa pamamagitan ng gawa ng mga kamay ninyo; kung hindi ay magpapasapit ako sa inyo ng kapahamakan.’
-