Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 61:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  7 Sa halip na kahihiyan ay magkakaroon kayo ng dobleng bahagi,

      At sa halip na kadustaan ay hihiyaw sila sa kagalakan dahil sa mana nila.

      Oo, dobleng bahagi ng lupain ang mapapasakanila.+

      Magsasaya sila magpakailanman.+

  • Jeremias 30:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 “At ikaw, Jacob na lingkod ko, huwag kang matakot,” ang sabi ni Jehova,

      “At huwag kang mangilabot, O Israel.+

      Dahil ililigtas kita mula sa malayo

      At ang mga supling mo mula sa lupain kung saan sila binihag.+

      Babalik ang Jacob at magiging panatag at tiwasay,

      At walang sinumang tatakot sa kanila.”+

  • Jeremias 33:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 At isasauli ko ang mga nabihag mula sa Juda at mula sa Israel,+ at papatibayin ko sila gaya ng ginawa ko noong una.+

  • Jeremias 33:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 At siya ay magiging aking karangalan, kagalakan, kapurihan, at kagandahan sa harap ng lahat ng bansa sa lupa na makaririnig sa lahat ng mabubuting bagay na gagawin ko sa kanila.+ At matatakot ang mga bansa at manginginig+ dahil sa lahat ng kabutihan at kapayapaan na ibibigay ko sa kaniya.’”+

  • Ezekiel 39:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 “Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Ibabalik ko sa lupain nila ang mga nabihag sa Jacob,+ at kaaawaan ko ang buong sambahayan ng Israel;+ at gagawin ko ang buong makakaya ko para ipagtanggol ang* aking banal na pangalan.+

  • Ezekiel 39:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Kapag ibinalik ko sila mula sa mga bayan at tinipon sila mula sa mga lupain ng mga kaaway nila,+ pababanalin ko rin ang sarili ko sa gitna nila sa harap ng maraming bansa.’+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share