-
2 Cronica 36:20, 21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
20 Ginawa niyang bihag sa Babilonya ang mga hindi namatay sa espada,+ at ang mga ito ay naging mga lingkod niya+ at ng mga anak niya hanggang sa magsimulang mamahala ang kaharian ng Persia,+ 21 para matupad ang salita ni Jehova na binigkas ni Jeremias,+ hanggang sa makabawi ang lupain sa mga sabbath nito.+ Sa buong panahon na tiwangwang ang lupain, nagpahinga ito,* para matupad ang 70 taon.+
-
-
Jeremias 25:11, 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 At ang buong lupaing ito ay mawawasak at magiging nakapangingilabot, at ang mga bansang ito ay maglilingkod nang 70 taon sa hari ng Babilonya.”’+
12 “‘Pero pagkatapos ng 70 taon+ ay pananagutin* ko ang hari ng Babilonya at ang bansang iyon sa kasalanan nila,’+ ang sabi ni Jehova, ‘at gagawin kong tiwangwang ang lupain ng mga Caldeo magpakailanman.+
-