Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 22:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Maaalaala ng buong lupa si Jehova at lalapit sa kaniya.

      Ang lahat ng pamilya ng mga bansa ay yuyukod sa harap mo.+

  • Isaias 2:2, 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  2 Sa huling bahagi ng mga araw,*

      Ang bundok ng bahay ni Jehova

      Ay itatatag nang matibay at mas mataas pa sa tuktok ng mga bundok,+

      At iyon ay gagawing mas mataas pa sa mga burol,

      At dadagsa roon ang lahat ng bansa.+

       3 At maraming bayan ang magpupunta roon at magsasabi:

      “Halikayo, umakyat tayo sa bundok ni Jehova,

      Sa bahay ng Diyos ni Jacob.+

      Tuturuan niya tayo tungkol sa kaniyang mga daan,

      At lalakad tayo sa kaniyang mga landas.”+

      Dahil ang kautusan* ay lalabas mula sa Sion,

      At ang salita ni Jehova mula sa Jerusalem.+

  • Isaias 11:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Sa araw na iyon, ang ugat ni Jesse+ ay magiging palatandaan* para sa mga bayan.+

      Sa kaniya babaling ang mga bansa para sa patnubay,*+

      At ang pahingahan niya ay magiging maluwalhati.

  • Isaias 55:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Tatawagin mo ang isang bansa na hindi mo kilala,

      At ang mga galing sa bansa na hindi nakakakilala sa iyo ay tatakbo sa iyo

      Alang-alang kay Jehova na iyong Diyos,+ ang Banal ng Israel,

      Dahil luluwalhatiin ka niya.+

  • Isaias 60:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  3 Pupunta sa liwanag mo ang mga bansa+

      At sa nagniningning mong karilagan* ang mga hari.+

  • Oseas 1:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 “At ang bayang Israel ay magiging kasindami ng mga butil ng buhangin sa dagat, na hindi matatakal o mabibilang.+ At sa lugar kung saan sinabi ko sa kanila, ‘Hindi ko kayo bayan,’+ doon ay sasabihin ko sa kanila, ‘Kayo ang mga anak ng Diyos na buháy.’+

  • Mikas 4:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  2 At maraming bansa ang magpupunta roon at magsasabi:

      “Halikayo, umakyat tayo sa bundok ni Jehova

      At sa bahay ng Diyos ni Jacob.+

      Tuturuan niya tayo tungkol sa kaniyang mga daan,

      At lalakad tayo sa kaniyang mga landas.”

      Dahil ang kautusan* ay lalabas mula sa Sion,

      At ang salita ni Jehova mula sa Jerusalem.

  • Hagai 2:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 “‘At uugain ko ang lahat ng bansa, at ang kayamanan* ng lahat ng bansa ay darating;+ at pupunuin ko ng kaluwalhatian ang bahay na ito,’+ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share