-
Oseas 1:10, 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 “At ang bayang Israel ay magiging kasindami ng mga butil ng buhangin sa dagat, na hindi matatakal o mabibilang.+ At sa lugar kung saan sinabi ko sa kanila, ‘Hindi ko kayo bayan,’+ doon ay sasabihin ko sa kanila, ‘Kayo ang mga anak ng Diyos na buháy.’+ 11 At ang mga taga-Juda at taga-Israel ay titipunin at pagkakaisahin,+ at pipili sila ng isang pinuno* at aalis sila sa lupain, dahil magiging dakila ang araw ng Jezreel.+
-