Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ezra 9:6, 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 At sinabi ko: “O Diyos ko, nahihiya ako at hindi ako makaharap sa iyo, O Diyos ko, dahil ang mga pagkakamali namin ay lampas na sa aming ulo at ang kasalanan namin ay umabot na sa langit.+ 7 Mula nang panahon ng mga ninuno namin hanggang ngayon, napakalaki na ng kasalanan namin;+ at dahil sa mga pagkakamali namin, kami, ang aming mga hari, at ang aming mga saserdote, ay ibinigay sa kamay ng mga hari ng ibang bansa, pinatay sa pamamagitan ng espada,+ binihag,+ ninakawan,+ at hiniya, gaya ng nangyayari ngayon.+

  • Isaias 1:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Maghugas kayo, linisin ninyo ang inyong sarili;+

      Alisin ninyo sa paningin ko ang masasama ninyong gawain;

      Tigilan na ninyo ang paggawa ng masama.+

  • Isaias 55:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  7 Iwan ng masama ang landas niya,+

      Alisin ng masama ang mga kaisipan niya;

      Manumbalik siya kay Jehova, na maaawa sa kaniya,+

      Sa ating Diyos, dahil magpapatawad siya nang lubusan.*+

  • Oseas 14:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 “Manumbalik ka kay Jehova na iyong Diyos, O Israel,+

      Dahil natisod ka ng kasalanan mo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share