-
Mateo 19:4-6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Sinabi niya: “Hindi ba ninyo nabasa na siya na lumalang* sa kanila mula sa pasimula ay ginawa silang lalaki at babae+ 5 at sinabi: ‘Dahil dito ay iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ina at mamumuhay kasama* ng kaniyang asawang babae, at ang dalawa ay magiging isang laman’?+ 6 Kaya hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Kaya ang pinagsama* ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng sinumang tao.”+
-