24 Sinabi pa niya sa kanila: “Magbigay-pansin kayo sa pinakikinggan ninyo.+ Kung gaano kalaki ang ibinibigay ninyo, ganoon din kalaki ang tatanggapin ninyo, o mas malaki pa nga.
38 Maging mapagbigay, at magbibigay ang mga tao sa inyo.+ Napakarami nilang ibubuhos sa tupi* ng inyong damit—siniksik, niliglig, at umaapaw. Dahil kung paano ninyo pinakikitunguhan ang iba, ganoon din nila kayo pakikitunguhan.”*