Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Lucas 7:18-23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Iniulat kay Juan ng mga alagad niya ang lahat ng ito.+ 19 Kaya tinawag ni Juan ang dalawa sa mga alagad niya at isinugo sila sa Panginoon para sabihin: “Ikaw ba ang hinihintay namin,+ o may iba pang darating?” 20 Nang dumating sa kaniya ang mga lalaki, sinabi nila: “Isinugo kami ni Juan Bautista para itanong sa iyo, ‘Ikaw ba ang hinihintay namin, o may iba pang darating?’” 21 Nang oras na iyon, pinagaling niya ang maraming may sakit,+ may malulubhang karamdaman, at sinasapian ng masasamang espiritu, at ibinalik niya ang paningin ng maraming bulag. 22 Sinabi niya sa kanila: “Sabihin ninyo kay Juan ang nakita ninyo at narinig: Ang mga bulag ay nakakakita na,+ ang mga lumpo ay nakalalakad, ang mga ketongin ay gumagaling, ang mga bingi ay nakaririnig,+ ang mga patay ay binubuhay, at ang mahihirap ay pinangangaralan ng mabuting balita.+ 23 Maligaya ang nagtitiwala sa akin.”*+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share