-
Marcos 4:3-9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 “Makinig kayo. Isang magsasaka ang lumabas para maghasik.+ 4 Sa paghahasik niya, ang ilang binhi ay napunta sa tabi ng daan, at dumating ang mga ibon at inubos ang mga ito. 5 Ang iba ay napunta sa batuhan kung saan kakaunti ang lupa, at tumubo agad ang mga ito dahil hindi malalim ang lupa.+ 6 Pero nang sumikat ang araw ay nainitan ang mga ito, at dahil walang ugat, nalanta ang mga ito. 7 Ang ibang binhi naman ay napunta sa may matitinik na halaman. Lumago ang matitinik na halaman at sinakal ang mga binhing tumubo, at hindi ito namunga.+ 8 Pero ang iba pa ay napunta sa matabang lupa. Tumubo ang mga ito, lumaki, at namunga. May namunga nang 30 ulit, 60 ulit, at 100 ulit na mas marami kaysa sa itinanim.”+ 9 Sinabi pa niya: “Ang may tainga ay makinig.”+
-
-
Lucas 8:4-8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Nang matipon ang isang malaking grupo ng mga tao at ang mga tao mula sa iba’t ibang lunsod na sumama sa kaniya, nagbigay siya ng isang ilustrasyon:+ 5 “Isang magsasaka ang lumabas para maghasik ng binhi. Sa paghahasik niya, ang ilang binhi ay napunta sa tabi ng daan. Natapak-tapakan ang mga ito at inubos ng mga ibon sa langit.+ 6 Ang ilan naman ay nahulog sa bato, kaya nang sumibol, natuyo ang mga ito dahil sa kakulangan ng tubig.+ 7 Ang iba ay napunta sa may matitinik na halaman, at ang mga ito ay sinakal ng matitinik na halaman na tumubong kasama nito.+ 8 Pero ang iba ay napunta sa matabang lupa, kaya nang sumibol, namunga ang mga ito nang 100 ulit.”+ Pagkatapos, sinabi niya nang malakas: “Ang may tainga ay makinig.”+
-