Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Marcos 6:35-44
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 35 Nang gumagabi na, lumapit sa kaniya ang mga alagad niya at sinabi nila: “Liblib ang lugar na ito at gumagabi na.+ 36 Paalisin mo na sila, para makapunta sila sa kalapít na mga nayon at bayan at makabili ng makakain nila.”+ 37 Sinabi niya sa kanila: “Bigyan ninyo sila ng makakain.” Sumagot sila: “Aalis ba kami at bibili ng tinapay na halagang 200 denario* para mapakain ang mga tao?”+ 38 Sinabi niya sa kanila: “Ilan ang tinapay ninyo? Tingnan ninyo.” Matapos nilang alamin ito, sinabi nila: “Lima, at may dalawang isda.”+ 39 At ang lahat ng tao ay pinaupo niya nang grupo-grupo sa damuhan.+ 40 Kaya umupo sila nang tig-iisang daan at tiglilimampu. 41 At kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda; tumingala siya sa langit at nanalangin.*+ Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ang mga tinapay at ibinigay sa mga alagad para ipamahagi sa mga tao; at hinati-hati niya ang dalawang isda para sa lahat. 42 Kaya kumain silang lahat at nabusog, 43 at nakapuno sila ng 12 basket ng natirang tinapay, bukod pa sa mga isda.+ 44 Ang kumain ng tinapay ay 5,000 lalaki.

  • Lucas 9:12-17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Nang gumagabi na, lumapit sa kaniya ang 12 apostol at sinabi: “Paalisin mo na ang mga tao para makahanap sila ng matutuluyan at makabili ng pagkain sa kalapít na mga nayon at bayan, dahil nasa liblib na lugar tayo.”+ 13 Pero sinabi niya: “Bigyan ninyo sila ng makakain.”+ Sinabi nila: “Limang tinapay lang at dalawang isda ang mayroon tayo, maliban na lang kung aalis kami at bibili ng pagkain para sa lahat.” 14 Sa katunayan, may mga 5,000 lalaki roon. Pero sinabi niya sa mga alagad niya: “Igrupo ninyo sila nang mga lima-limampu at paupuin.” 15 Sumunod sila at pinaupo ang lahat. 16 At kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda; tumingala siya sa langit at nanalangin.* Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ang mga ito at ibinigay sa mga alagad para ipamahagi sa mga tao. 17 Kaya kumain silang lahat at nabusog, at nang tipunin nila ang natira, 12 basket ang napuno.+

  • Juan 6:5-13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Nang makita ni Jesus na may malaking grupo na papalapit sa kaniya, sinabi niya kay Felipe: “Saan tayo bibili ng tinapay para sa kanila?”+ 6 Pero sinabi lang niya ito para malaman ang nasa isip ni Felipe, dahil alam na niya ang gagawin niya. 7 Sumagot si Felipe: “Kahit tinapay na halagang 200 denario* ay hindi sapat para makakuha ng tigkakaunti ang bawat isa.” 8 Sinabi sa kaniya ng isa sa mga alagad niya, si Andres na kapatid ni Simon Pedro: 9 “Isang batang lalaki ang may limang tinapay na sebada at dalawang maliliit na isda. Pero paano ito magkakasya sa ganito karaming tao?”+

      10 Sinabi ni Jesus: “Paupuin ninyo ang mga tao.” Dahil madamo sa lugar na iyon, umupo sila roon, at may mga 5,000 lalaki sa grupong iyon.+ 11 Kinuha ni Jesus ang tinapay, at pagkatapos magpasalamat, ipinamahagi niya iyon sa mga nakaupo; gayon din ang ginawa niya sa maliliit na isda, at nakakain sila hanggang sa mabusog. 12 Nang mabusog sila, sinabi niya sa mga alagad niya: “Tipunin ninyo ang mga natira para walang masayang.” 13 Kaya tinipon nila iyon, at 12 basket ang napuno ng mga natira nila mula sa limang tinapay na sebada.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share