Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Hari 4:42-44
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 42 Isang lalaki mula sa Baal-salisa+ ang dumating at may dala siyang 20 tinapay na gawa sa unang bunga ng sebada+ at isang supot ng bagong-aning sebada para sa lingkod ng tunay na Diyos.+ Pagkatapos, sinabi ni Eliseo: “Ibigay mo iyon sa mga tao para makakain sila.” 43 Pero sinabi ng tagapaglingkod niya: “Paano ko ito pagkakasyahin sa 100 lalaki?”+ Sumagot siya: “Ibigay mo iyan sa mga tao para makakain sila, dahil sinabi ni Jehova, ‘Kakain sila at may matitira pa.’”+ 44 Kaya inihain niya iyon sa kanila, at kumain sila at may natira pa,+ gaya ng sinabi ni Jehova.

  • Marcos 6:42, 43
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 42 Kaya kumain silang lahat at nabusog, 43 at nakapuno sila ng 12 basket ng natirang tinapay, bukod pa sa mga isda.+

  • Marcos 8:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Kaya kumain sila at nabusog, at nang tipunin nila ang natirang mga piraso, pitong malalaking basket ang napuno nila.+

  • Lucas 9:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Kaya kumain silang lahat at nabusog, at nang tipunin nila ang natira, 12 basket ang napuno.+

  • Juan 6:12, 13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Nang mabusog sila, sinabi niya sa mga alagad niya: “Tipunin ninyo ang mga natira para walang masayang.” 13 Kaya tinipon nila iyon, at 12 basket ang napuno ng mga natira nila mula sa limang tinapay na sebada.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share