-
Marcos 7:8-13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Binabale-wala ninyo ang utos ng Diyos at sinusunod ang tradisyon ng mga tao.”+
9 Sinabi pa niya sa kanila: “Ang galing ninyong gumawa ng paraan para malusutan ang utos ng Diyos at masunod ang tradisyon ninyo.+ 10 Halimbawa, sinabi ni Moises, ‘Parangalan mo ang iyong ama at ina,’+ at, ‘Ang nagsasalita ng masama* sa kaniyang ama o ina ay papatayin.’+ 11 Pero sinasabi ninyo, ‘Kapag sinabi ng isa sa kaniyang ama o ina: “Anumang mayroon ako na makatutulong sa inyo ay korban (ibig sabihin, naialay na sa Diyos),”’ 12 hindi na ninyo siya hinahayaang gumawa ng anumang bagay para sa kaniyang ama o ina.+ 13 Kaya winawalang-halaga ninyo ang salita ng Diyos dahil sa tradisyong ipinamamana ninyo.+ At marami kayong ginagawa na gaya nito.”+
-