13 Ito ang ibibigay ng lahat ng nairehistro: kalahating siklo ayon sa siklo ng banal na lugar.+ Ang 20 gerah ay katumbas ng isang siklo. Ang kalahating siklo ay ang abuloy para kay Jehova.+ 14 Ang lahat ng nairehistrong 20 taóng gulang pataas ay magbibigay ng abuloy kay Jehova.+