18 “‘Huwag kang maghihiganti+ o magkikimkim ng sama ng loob laban sa mga anak ng iyong bayan, at dapat mong mahalin ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.+ Ako si Jehova.
27 Sumagot ito: “‘Dapat mong ibigin si Jehova* na iyong Diyos nang buong puso mo at nang buong kaluluwa* mo at nang buong lakas mo at nang buong pag-iisip mo’+ at ‘ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.’”+
8 Ngayon, kung patuloy ninyong tinutupad ang dakilang kautusan ng Hari ayon sa kasulatan, “Dapat mong mahalin ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili,”+ mabuti naman ang ginagawa ninyo.
22 Ngayong dinalisay na ninyo ang sarili ninyo sa pamamagitan ng pagsunod sa katotohanan na ang resulta ay di-mapagkunwaring pagmamahal sa kapatid,+ masidhi ninyong ibigin ang isa’t isa mula sa puso.+