-
Mateo 6:1, 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 “Tiyakin ninyo na hindi pakitang-tao lang ang paggawa ninyo ng mabuti;+ kung hindi, wala kayong magiging gantimpala mula sa inyong Ama na nasa langit. 2 Kaya kung gagawa ka ng mabuti sa mahihirap,* huwag kang hihihip ng trumpeta, gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari* sa mga sinagoga at kalye para purihin sila ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo, iyon na ang buong gantimpala nila.
-