-
Lucas 21:21-23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
21 Kaya ang mga nasa Judea ay tumakas na papunta sa mga kabundukan,+ ang mga nasa loob ng Jerusalem ay lumabas na, at ang mga nasa kalapít na mga lugar ay huwag nang pumasok sa kaniya, 22 dahil ito ay mga araw para sa paglalapat ng katarungan,* para matupad ang lahat ng nakasulat. 23 Kaawa-awa ang mga nagdadalang-tao at nagpapasuso ng sanggol sa mga araw na iyon!+ Dahil magkakaroon ng matinding paghihirap sa lupain, at paparusahan ang bayang ito.
-