-
Lucas 21:25, 26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
25 “Gayundin, magkakaroon ng mga tanda sa araw, buwan, at mga bituin.+ At sa lupa, magdurusa ang mga bansa, na hindi malaman ang gagawin dahil sa pag-ugong at pagngangalit ng dagat. 26 Ang mga tao ay mahihimatay sa takot at sa paghihintay sa mga bagay na mangyayari sa lupa, dahil ang mga kapangyarihan ng langit ay mayayanig.
-