-
Lucas 12:42-44Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
42 Sinabi ng Panginoon: “Sino talaga ang tapat na katiwala,* ang matalino, na aatasan ng panginoon niya sa grupo ng mga tagapaglingkod* nito para patuloy na magbigay sa kanila ng kinakailangang pagkain sa tamang panahon?+ 43 Maligaya ang aliping iyon, kung sa pagdating ng panginoon niya ay madatnan siyang gayon ang ginagawa! 44 Sinasabi ko sa inyo, aatasan siya ng panginoon sa lahat ng pag-aari nito.
-