-
Marcos 14:29-31Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
29 Pero sinabi sa kaniya ni Pedro: “Kahit na iwan ka nilang lahat,* hindi kita iiwan.”+ 30 Kaya sinabi ni Jesus sa kaniya: “Sinasabi ko sa iyo, sa gabi ring ito, bago tumilaok ang tandang nang dalawang beses, ikakaila mo ako nang tatlong ulit.”+ 31 Pero iginigiit niya: “Kahit na mamatay akong kasama mo, hinding-hindi kita ikakaila.” Ganoon din ang sinabi ng lahat ng iba pa.+
-