-
Marcos 14:37-42Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
37 Bumalik siya at nadatnan niya silang natutulog, at sinabi niya kay Pedro: “Simon, natutulog ka? Wala ka bang lakas para magbantay kahit isang oras?+ 38 Patuloy kayong magbantay at manalangin para hindi kayo mahulog sa tukso.+ Totoo naman, gusto ng puso, pero mahina ang laman.”+ 39 At umalis siya uli at nanalangin, na ganoon din ang sinasabi.+ 40 Pagbalik niya, nadatnan niya uli silang natutulog dahil antok na antok na sila, kaya hindi nila malaman kung ano ang isasagot sa kaniya. 41 At bumalik siya sa ikatlong pagkakataon at sinabi sa kanila: “Sa panahong gaya nito ay natutulog kayo at nagpapahinga? Tama na! Dumating na ang oras!+ Ibibigay na ang Anak ng tao sa kamay ng mga makasalanan. 42 Tumayo kayo, at umalis na tayo. Parating na ang magtatraidor sa akin.”+
-