-
Lucas 22:67-71Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
67 “Kung ikaw ang Kristo, sabihin mo sa amin.”+ Pero sinabi niya: “Kahit sabihin ko sa inyo, hindi kayo maniniwala. 68 At kung tatanungin ko kayo, hindi rin naman kayo sasagot. 69 Pero mula ngayon, ang Anak ng tao+ ay uupo sa kanan ng makapangyarihang Diyos.”+ 70 Kaya sinabi nilang lahat: “Kung gayon, ikaw ba ang Anak ng Diyos?” Sinabi niya: “Kayo mismo ang nagsasabi niyan.” 71 Sinabi nila: “Bakit kakailanganin pa natin ng mga testigo? Narinig na natin mismo mula sa bibig niya!”+
-