18 “Makinig kayo. Pupunta tayo sa Jerusalem, at ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga punong saserdote at mga eskriba. Hahatulan nila siya ng kamatayan+19 at ibibigay sa mga tao ng ibang mga bansa para tuyain at hagupitin at ibayubay* sa tulos;+ at sa ikatlong araw ay bubuhayin siyang muli.”+
28 Pagkatapos, dinala nila si Jesus mula kay Caifas papunta sa bahay ng gobernador.+ Umaga na noon. Pero hindi sila pumasok sa bahay ng gobernador para hindi sila madungisan+ at sa gayon ay makakain sila ng hapunan para sa Paskuwa.
13 Niluwalhati ng Diyos ng ating mga ninunong sina Abraham, Isaac, at Jacob+ ang Lingkod+ niyang si Jesus,+ na ipinaaresto ninyo+ at itinakwil sa harap ni Pilato, kahit pa nagdesisyon itong palayain siya.