Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Malakias 3:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 “Isinusugo ko ang aking mensahero, at hahawanin* niya ang dadaanan ko.+ At ang tunay na Panginoon, na hinahanap ninyo, ay biglang darating sa kaniyang templo;+ at darating ang mensahero ng tipan na kinalulugdan ninyo. Tiyak na darating siya,” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.

  • Mateo 3:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Nang mga araw na iyon, si Juan+ Bautista ay dumating sa ilang ng Judea at nangaral.+

  • Mateo 3:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Ang totoo, siya ang tinutukoy ng propetang si Isaias+ nang sabihin nito: “May sumisigaw sa ilang, ‘Ihanda ninyo ang dadaanan ni Jehova!* Patagin ninyo ang lalakaran niya.’”+

  • Mateo 11:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Siya ang tinutukoy sa Kasulatan: ‘Isinusugo ko ang aking mensahero sa unahan mo, na maghahanda ng iyong dadaanan!’+

  • Lucas 3:2-6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 noong panahon ni Caifas+ at ng punong saserdoteng si Anas, tumanggap ng mensahe mula sa Diyos si Juan+ na anak ni Zacarias habang siya ay nasa ilang.+

      3 Kaya pumunta siya sa lahat ng lugar sa palibot ng Jordan para mangaral tungkol sa bautismo bilang sagisag ng pagsisisi para sa kapatawaran ng mga kasalanan,+ 4 gaya ng nakasulat sa aklat ni propeta Isaias: “May sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang dadaanan ni Jehova!* Patagin ninyo ang lalakaran niya.+ 5 Bawat lambak ay tatambakan, at bawat bundok at burol ay papatagin; ang paliko-likong mga daan ay magiging tuwid, at ang malubak na mga daan ay magiging patag; 6 at makikita ng lahat ng tao* ang pagliligtas ng Diyos.’”*+

  • Lucas 7:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Siya ang tinutukoy sa Kasulatan: ‘Isinusugo ko ang aking mensahero sa unahan mo, na maghahanda ng iyong dadaanan.’+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share