-
Mateo 4:1-10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Pagkatapos, inakay si Jesus ng espiritu papunta sa ilang, kung saan siya tinukso+ ng Diyablo.+ 2 Matapos mag-ayuno* nang 40 araw at 40 gabi, nagutom siya. 3 Lumapit sa kaniya ang Manunukso+ at nagsabi: “Kung ikaw ay anak ng Diyos, utusan mo ang mga batong ito na maging tinapay.” 4 Pero sumagot siya: “Nasusulat, ‘Ang tao ay mabubuhay, hindi lang sa tinapay, kundi sa bawat salitang sinasabi* ni Jehova.’”*+
5 Pagkatapos, dinala siya ng Diyablo sa banal na lunsod,+ sa tuktok ng templo.+ 6 Sinabi nito: “Kung ikaw ay anak ng Diyos, tumalon ka mula rito, dahil nasusulat: ‘Uutusan niya ang mga anghel niya na tulungan ka,’ at, ‘Bubuhatin ka nila para hindi tumama sa bato ang paa mo.’”+ 7 Sinabi ni Jesus sa kaniya: “Nasusulat din: ‘Huwag mong susubukin si Jehova* na iyong Diyos.’”+
8 Dinala naman siya ng Diyablo sa isang napakataas na bundok at ipinakita sa kaniya ang lahat ng kaharian sa mundo* at ang kaluwalhatian ng mga ito.+ 9 At sinabi ng Diyablo: “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng ito kung luluhod ka at sasamba sa akin nang kahit isang beses.” 10 Sinabi ni Jesus sa kaniya: “Lumayas ka, Satanas! Dahil nasusulat: ‘Si Jehova* na iyong Diyos ang dapat mong sambahin,+ at siya lang ang dapat mong paglingkuran.’”*+
-
-
Lucas 4:1-13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Pagkatapos, si Jesus na puspos ng banal na espiritu ay umalis sa Jordan; inakay siya ng espiritu sa ilang+ 2 sa loob ng 40 araw, at tinukso siya roon ng Diyablo.+ Hindi siya kumain, kaya pagkatapos ng mga araw na iyon, nagutom siya. 3 Sinabi sa kaniya ng Diyablo: “Kung ikaw ay anak ng Diyos, utusan mo ang batong ito na maging tinapay.” 4 Pero sumagot si Jesus: “Nasusulat, ‘Ang tao ay hindi mabubuhay sa tinapay lang.’”+
5 Kaya dinala niya siya sa mataas na lugar, at saglit niyang ipinakita sa kaniya ang lahat ng kaharian sa mundo.+ 6 Pagkatapos, sinabi ng Diyablo: “Ibibigay ko sa iyo ang awtoridad sa lahat ng ito at ang kaluwalhatian ng mga ito, dahil akin ang lahat ng kahariang ito+ at ibibigay ko ito kanino ko man gustuhin. 7 Kaya kung sasambahin mo ako nang kahit isang beses, magiging sa iyo ang lahat ng ito.” 8 Sumagot si Jesus: “Nasusulat, ‘Si Jehova* na iyong Diyos ang dapat mong sambahin, at siya lang ang dapat mong paglingkuran.’”*+
9 Pagkatapos, dinala niya siya sa Jerusalem, sa tuktok ng templo. Sinabi niya: “Kung ikaw ay anak ng Diyos, tumalon ka mula rito,+ 10 dahil nasusulat, ‘Uutusan niya ang mga anghel niya na ingatan ka,’ 11 at, ‘Bubuhatin ka nila para hindi tumama sa bato ang paa mo.’”+ 12 Sumagot si Jesus: “Nasusulat, ‘Huwag mong susubukin si Jehova* na iyong Diyos.’”+ 13 Kaya matapos siyang tuksuhin ng Diyablo, humiwalay ito sa kaniya at naghintay ng ibang pagkakataon.+
-