-
Mateo 9:23-26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
23 Nang pumasok si Jesus sa bahay ng tagapamahala at makita ang mga nagpapatugtog ng plawta at ang mga taong nagkakagulo,+ 24 sinabi niya: “Umalis na kayo, dahil hindi namatay ang bata. Natutulog lang siya.”+ At pinagtawanan siya ng mga tao. 25 Nang mapalabas na ang mga tao, lumapit siya sa bata at hinawakan ang kamay nito,+ at bumangon ang bata.+ 26 Siyempre, napabalita ang tungkol dito sa buong lupaing iyon.
-
-
Lucas 8:51-56Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
51 Nang makarating siya sa bahay, wala siyang ibang pinahintulutang pumasok kasama niya maliban kina Pedro, Juan, Santiago, at sa ama at ina ng bata. 52 Umiiyak ang lahat at sinusuntok ang dibdib nila sa pamimighati. Kaya sinabi niya: “Huwag na kayong umiyak,+ dahil hindi siya namatay. Natutulog lang siya.”+ 53 Pinagtawanan siya ng mga tao dahil alam nilang patay na ang bata. 54 Pero hinawakan niya ang kamay ng bata at sinabi: “Anak, bumangon ka!”+ 55 At nabuhay siyang muli,*+ at agad siyang bumangon,+ at iniutos ni Jesus na bigyan siya ng pagkain. 56 Samantala, nag-uumapaw sa saya ang mga magulang niya, pero inutusan niya silang huwag sabihin sa iba ang nangyari.+
-